Paalam
Paalam
Minsan ng umiyak ang aking puso
At unti-unti ko itong tinuyo
Minsan ng nalamatan ang aking puso
At ayaw ko na ito’y muling magdugo.
Ngayon ang oras ng ating pamamaalam
Sana ni isa sa ati’y wag magdamdam
Dahil ang ating mga ala-ala’y pede naming balik-balikan
At gunitain ang magagandang nakaraan.
Nakakatuwang isipin at ungkatin
Ang mga istoryang sasambitin
At pinipilit nating aalamin
Ang bawat tanong na nakabitin.
Kayhirap sabihin ng salitang “Paalam”
Lalo na sa iyong matalik na kaibigan
Pero kung ito ang magiging daan
Upang gumaan ang pakiramdan at wag ng magsisihan.
Masakit marinig sa iyong kaibigan
Ang kanyang pagpapaalam
Dahil lungkot ang tanging mararamdaman
Ng bawat isa sa kanyang kinatatayuan.
Kailangan nating tanggapin
Kung ito ang KANYANG hiling
Na sa ati’y Kanyang inihabilin
Pag-ibig NYANG ating inangkin.
Paalam na mahal kong kaibigan
Wag sanang magdamadam
Sapagkat ako’y lilisan
Sa iyong mundong ginagalawan.
Sa aking paglisan
Hangad ko ang iyong kagalakan
Na muli mong makamtam
Ang tunay mong magiging kaibigan.
Mawala man ako sa iyong tabi
Wag ka sanang magkukubli
Sa isang tabi na mahirap kang mahuli
Dahil alam kong hindi pa ito ang huli.
Poong Diyos ang syang nasa ating tabi
Upang tayo ay Kanyang mahuli
At ilagay sa Kanyang tabi
At wag na muling magkubli at mawalay pa.
Paalam, paalam, paalam na!
Please login or register
You must be logged in or register a new account in order to
Login or Registerleave comments/feedback and rate this poem.